Gamit ang isyu ng korapsyon sa gobyerno… Malakanyang, nanawagan sa publiko na mag-isip mabuti kung papatulan ang ginagawang panghihikayat ng rebeldeng komunista
- Published on September 5, 2025
- by @peoplesbalita
NANAWAGAN ang Malakanyang sa mga mamamayang Filipino na mag-isip mabuti kung magpapadala o papatulan ang panghihikayat ng rebeldeng komunista na sumama sa kanila.
Nagbabala kasi ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) sa ginagawang taktika ng rebeldeng komunista na sinasamantala ang galit ng publiko sa korapsyon sa gobyerno para makapag-recruit ng mga bagong miyembro.
Putok na putok kasi ngayon sa mga headlines ang isyu ng maanomalyang flood control projects at ghost projects.
“Kaya nga po, maging mapanuri. iyan ang request natin at panawagan natin sa lahat ng mga kababayan natin, kabataan man o mga matured na mga katulad natin. mag-isip po tayo dahil hindi po ito nadadaan sa dahas,” ayon kay Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro.
Ang pakiusap pa rin ni Castro ay huwag sanang gamitin ang isyu ng korapsyon para magalit sa gobyerno o magalit kung kaninuman.
“Magtulong-tulong po tayong lahat para masawata ang korapsyon dito sa bansa,” ayon kay Castro.
Sa kabilang dako, sinabi ni Castro na walang dapat na ikabahala ang publiko lalo pa’t naka-monitor ang NTF-elcac sa usaping ito.
Sa ulat, sinabi ni the NTF-Elcac executive director, Undersecretary Ernesto Torres Jr. na na- establish nito na sinasamantala ng mga rebeldeng komunista ang galit ng pubiko sa korasyon sa gobyerno para makapanghikayat ng mga bagong miyembro partikular na ang mga kabataan at mula sa vulnerable sectors.
“Former rebels, especially the youth, have long attested that corruption in the bureaucracy was among the systemic reasons they were agitated into taking up arms,” ani Torres.
“They have also revealed how the Communist Party of the Philippines–New People’s Army–National Democratic Front (CPP–NPA–NDF) exploits this reality by preying on the youth, students, and vulnerable sectors, including even public servants, by twisting legitimate grievances into recruitment tactics for violent extremism,” aniya pa rin.
Nagpalabas ng kalatas ang NTF-ELCAC habang patuloy na nagiging headlines ang isyu ng korapsyon na sangkot ang government flood control projects.
May pangangailangan ayon kay Torres na tiyakin na ang mga eskuwelahan at komunidad ay nananatiling ligtas na lugar para sa lehitimong debate at constructive civic engagement.
“We have to be alarmed when, instead of fostering genuine love for our country, they become pipelines for terror grooming by the CPP-NPA-NDF,” ani Torres.
Dahil dito, hinikayat ni Torres ang mga magulang, guro, civil servants, at mga komunidad na “remain vigilant and guard not only our resources but the minds of our youth.”
Nanawagan naman ito sa mga mambabatas na makiisa na linisin ang gobyerno mula sa corrupt bureaucrats, “while also enacting measures that ensure terrorist recruiters are held accountable under the law.” ( Daris Jose)