Gagamiting sangkap ng gamot para sa iba’t-ibang klase ng sakit: Sen. ROBIN, patuloy na isinusulong na gawing legal ang paggamit ng marijuana
- Published on January 11, 2025
- by Peoples Balita

ISINUSULONG ni Senator Robin Padilla ang paggamit at pagiging legal ng medical cannabis o medical marijuana upang gamiting sangkap ng gamot para sa iba’t-ibang klase ng sakit.
Ano ang hakbang ni Senator Robin upang mabago ang paniniwala ng publiko tungkol sa cannabis o marijuana at sa gamit nito?
“Alam niyo po ang problema po kasi sa cannabis, sabihin na nating marijuana, kasi galing po dun sa marijuana yung pangalan e alam naman po natin, fifties, sixties, seventies, eighties, medyo naging biktima ng pulitika din ang marijuana sa Amerika.
“So parang naging, nagkaroon ng kampanya doon against sa race ng mga tao, against the Hispanic, the Negroes, ganyan, in-identify sila kasama ng marijuana.
“So matagal na panahon iyon e talaga namang ang discrimination, ang racial discrimination kailan lang nakitang wala na, ano?
“Nabawasan nito lang naman pagpasok ng 21st century, ngayon lang nakitang nawawala yung discrimination so sabay din yung marijuana.
“Habang nawawala yung diskriminasyon doon sa mga progresibong bansa na tinatawag nating progressive countries, yung mga developed countries, kasabay na rin yung mga research nila, mga evidence-based nila, scientific patungkol sa marijuana.
“So sila din mismo tinanggal na nila yung pangalan ng marijuana, pinalitan na nila ng cannabis.
“Kasi marijuana itself, ang dating talaga is, ‘Wow get high!’
“Pangalan pa lang high ka na, e.
“So pinalitan nila talaga, medical cannabis. So iyon yung… ganito ko siya ikinukuwento sa mga kapwa natin senador, I talk to them, evidence-based and scientific-based. “That’s why I went to Israel, I went to Prague, I went to interview, I want to see with my own eyes how they do it.
“The difference between the batch that makes you high and the batch that is medical, it’s really far!
“Kasi po yung recreational kung saan-saan lang po talaga iyon tumutubo, kahit ibato mo lang yung buto niyan, tutubo.
“Iyon po yung recreational.
”Pero makikita po natin yung difference ng medical cannabis talagang pharmaceutical grade talagang malinis.
“Talagang, kumbaga inaalagaan po nila yung health talaga ng tao.
“So ganoon ko po siya binebenta. Talagang dinidirekta ko na po ang mga taong bayan na alam niyo po nahuhuli na po tayo.
“Huling-huli na po tayo. Kulelat na nga po tayo.
“Hindi ko maintindihan bakit ang Pilipino bakit gusto natin laging kulelat tayo?
“Nauuna tayo biglang … ito ang sakit nating Pinoy e, kasi masyado tayong, magaling talaga tayo.
“Nauuna tayo sa lahat ng bagay, pati sa Republika, una tayo sa Asia. Pero hindi tayo natututo sa pagkakamali natin.
“Iyong mga ibang bayan na nanonood sa atin, yung mga kapitbahay natin, ‘O nauna na yung Pilipino, pag-aralan nga natin.’
“Sila natututo sa ating pagkakamali pero tayo, hindi tayo natuto.
“So ganun din sa marijuana, ganun din sa cannabis, andami nating dapat ng ginawa.
“Alam niyo po ba yung hemp? Na iyan pong hemp na sinasabi nila, na ang Australia, ang Japan, nagtatanim na sila ng hemp!
“Tayo bawal pa rin!
“Alam niyo po yung hemp iyan po yung pinagkukunan ng CBD (cannabidiol) oil, na iyan po sa Japan, pag nagpunta po kayo anlalaki ng five fingers, pag nagpunta kayo sa Japan, kung saan- saan nga sa paligid sa Japan kasi makakabili na sila ng CBD oil nang hindi ka hinuhuli.
“E dito po sa Pilipinas, kulong ka! CBD oil lang.
“Iyon po yung mga ganung bagay na paatras tayo, mga kababayan ko.
“Simple lang naman po ang gagawin kong pagbenta sa inyo ng medical cannabis.
“Iyong atin pong gobyerno laging umaangal kapag gustong bumili ng armas kulang ang budget namin kailangan naming bilhin ito, bilhin ito, lahat, lahat.
“Basta pag galing sa ibang bansa welcome sa atin, gamot, lahat.
“Pero bakit pagdating dito sa medical cannabis masyado tayong kontra?
“Ano ba ang meron sa medical cannabis at hindi natin matanggap na ito ay gamot.
“E yung lola ko naaalala ko pag masakit ang tiyan ng lola ko pupunta sa bundok sa amin sa Cuyapo pupunta sa bundok kukuha ng “damoski”, andun.
“Di ba parang… matagal na itong gamot.
”So iyon po, ganun ko po siya ibebenta, na matagal na po itong gamot, hindi ito bago.
“Walang testing sinaksak sa atin, di ba merong isinaksak sa atin pumayag tayong lahat?
“Ito punumpuno na ng testing po, lahat po ng bansa, na progresibo po ha, na tinatawag po nating talagang developed countries, meron na po silang medical cannabis.”
Nakapanayam namin si Senator Robin sa ginanap na forum at mediacon ng “SCIENCE SUPPORTS IT, PATIENTS NEED IT: MEDICINAL CANNABIS NOW”.
Umani ng suporta si Senator Robin mula sa mga kilalang pandaigdigang eksperto sa cannabis para sa pagsusulong ng legalisasyon ng medical marijuana sa bansa ayon sa nasasaad sa Sen. Bill No. 2573 o ang Cannabis Medicalization Act of the Philippines na inakda ni Sen. Padilla.
Kolektibong isinusulong nina Sen. Padilla at ng global cannabis experts na sina Dr. Shiksha Gallow at Wayne Gallow ang pagsusulong sa medical cannabis na anila’y makatutulong sa pain management ng mga cancer patients, bukod pa sa ibang benepisyo.
(ROMMEL L. GONZALES)