GABRIELA PARTY-LIST IPOPROKLAMA
- Published on September 17, 2025
- by @peoplesbalita
NAKATAKDANG iproklama bukas, Miyerkules ang Gabriela party-list bilang nanalong party-list sa 2025 midterm elections.
Ayon sa Comelec, pinadalhan na ng imbitasyon ang Gabriela party-list para sa nasabing kaganapan na gagawin ala-1:30 ng hapon sa Session Hall sa ika-8 palapag ng Palacio del Gobernador Building sa intramuros, Maynila.
Nakuha nito ang ika-64 puwesto sa Kamara.
Sa imbitasyon, ipoproklama ng COMELEC si dating Kabataan Partylist representative at ngayo’y first nominee ng Gabriela Partylist na si Sarah Jane Elago na nakatakdang umupo sa 20th congress.
Nauna nang inanunsyo ni Comelec Chairman George Erwin Garcia na ang Gabriela ang kukumpleto sa 20% party-list allocation sa Kamara, na katumbas ng 64 party-list representatives.
Sinabi rin ng Comelec na ministerial duty lamang ng Kamara ang tumanggap ng certificate of proclamation, pero nasa discretion pa rin ng Komisyon kung sino ang dapat iproklama. (Gene Adsuara)