• March 2, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Funbikers, pumadyak sa 120th anibersayo ng Navotas

BILANG bahagi ng pagdiriwang ng ika-120th anibersayo ng Navotas City, muling pumadyak sa buong Lungsod ang Navotas funbikers sa pangunguna ni Mayor John Rey Tiangco. Ayon sa alkalde, regular ding nagsasagawa ng funbike sa lungsod upang magsulong ng healthy lifestyle at pag-iwas sa mga bisyo. (Richard Mesa)

News 3
PIWSI dapat na managot kasunod ng naganap na Binaliw landslide sa Cebu

PINAIIMBESTIGAHAN ni Akbayan Partylist Rep. Dadah Kiram Ismula sa Cebu City ang Prime Integrated Waste Solutions Inc. (PIWSI) kasunod ng naganap na Binaliw landslide na kumitil ng 18 buhay.
Sinabi ng mambabatas na dapat panagutin ng pamahalaan ang kumpanya sa sakuna.
“This was a preventable tragedy. Hindi ito aksidente. Ito ay kapabayaan,” ani Ismula.
Una nang nabanggit ng Commission on Audit (COA) ang isyu ng critical safety risks kabilang na ang leaks at overflow ng basura na lagpas sa kapasidad nito.

“The residents have been complaining to previous city administrations and the Department of Environment and Natural Resources (DENR) but their concerns were shunned throughout the years. Sa Binaliw, umaalingasaw na ang kapabayaan at 18 na mga kababayan natin ang namatay,” saad ni Ismula.
Isinusulong din ng mambabatas ang pagbibigay ng financial support at compensation mula sa private company, at local at national governments para sa pamilya ng namatayan at mga nawawala.
Inihayag nito na bukod sa burial assistance, dapat maglaan ang private contractor, local at national government ng long-term livelihood support at agarang relocation para sa survivors na naninirahan sa danger zone.
“Kailangan nang mabilis na aksyon para sa mga pamilya. More than just prayers and fingerpointing, they need justice and guaranteed compensation from the company responsible,” dagdag nito.
(Vina de Guzman)