• April 26, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

FRIENDSHIP LIBRARY, ITATAYO SA MAYNILA

PINANGUNAHAN  ni Manila Mayor Isko Moreno-Domagoso ang groundbreaking ceremony ng Manila-Sacramento Friendship Library sa Canonigo corner Zamora Streets , Paco, Maynila para sa kapakinabangan ng mga kabataan at mag-aaral sa Maynila.
Sinabi ni Domagoso na naipasa ang ganitong pagpopondo sa mga proyekto dahil na rin sa tulong ng mga halal na opisyal ng bayan gayundin sa pamumuno ni Manila Vice Mayor Chi Atenza .
Ipinangako ng alkalde sa pamunuan ng library na magkakaroon na ng maayos na pasilidad na hindi na tumutulo kapag tag-ulan.
“Magkakaroon na kayo ng maayos na pasilidad. Ito inaalay namin para sa mga bata at matanda–we wanted you to give space and comfortable space for learning for our kids,” saad ng alkalde.
Tiniyak din ng alkalde na maraming kabataan o bata ang makikinabang sa library dahil magkakaroon ito ng mga kagamitan na magagamit na siguradong ikatutuwa ng mga ito gayundin sa mga matatanda.(Gene Adsuara)