• October 23, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 23, 2025
    Current time: October 23, 2025 1:45 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Fogging operations kontra dengue

IPINAG-UTOS ni Mayor Along Malapitan ang pagsasagawa ng fogging operations sa iba’t ibang barangay at mga paaralan sa Lungsod ng Caloocan upang panatilihin ang kaligtasan ng mga mamayan mula sa dengue at iba pang karamdaman.

“Kami po sa pamahalaang lungsod, sa pangunguna ng City Environmental Management Department (CEMD) ay hindi magsasawang magsagawa ng clean-up, fogging, at mga declogging operations sa Caloocan,” aniya.

Hinihikayat niya ang mga residente ng pungsod na palaging tiyaking malinis ang mga tahanan at kapaligiran upang mapuksa ang mga lamok na nagdadala ng sakit na dengue. (Richard Mesa)