• October 19, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 20, 2025
    Current time: October 20, 2025 2:13 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Flood control projects, magpapatuloy pero walang bagong budget para sa 2026- PBBM

SINABI ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na walang bitbit ang 2026 national budget na mga bagong alokasyon para sa flood control projects.
Sinabi ng Pangulo sa kanyang pinakabagong podcast episode na umere, araw ng Lunes na nananatiling hindi pa nagagastos ang P350 billion na pondo mula 2025.
Ani Pangulong Marcos, nakatakdang muling ipadala ng Department of Budget and Management at Department of Public Works and Highways (DPWH) sa Kongreso ang revised budget proposal para sa 2026.
“Number one, we already are seeing na lahat ng flood control project na dapat ilalagay sa 2026 na budget, hindi na siguro kailangan. So, there will be no budget for 2026 for flood control. Dahil mayroon naman P350 billion for 2025 na hindi pa nauubos talaga,” ang sinabi ni Pangulong Marcos.
Tiniyak naman ng Pangulo na magpapatuloy ang Flood control projects subalit ‘with stricter scrutiny.’
“Ibig sabihin, titiyakin na ngayon natin na ang paggastos tama, ang pag-implement tama, maayos ang design,” anito.
Idinagdag pa ng Chief Executive na kailangan na ayusin muna ng mga kontratista ang kanilang depektibong proyekto, “at their cost” bago pa ikonsidera aniya ng gobyerno ang pakikipag-ugnayan.
Samantala, binasura naman ng Pangulo ang panawagan ng mga mambabatas na “return to sender” ang panukalang 2026 National Expenditure Program, sabay sabing tanging ang DPWH budget lamang ang babaguhin. ( Daris Jose)