NAPA-EMOTE o napatanong si Pokwang sa kanyang Facebook account.
May kinalaman pa rin ito sa nag-viral na issue ni Lea Salonga sa Pinoy fans na gustong magpa-picture sa kanya sa dressing room sa Broadway.
Nag-reply kami sa naging FB post ni Pokwang na, “valid question” naman ang kanyang tanong.
Sabi nga niya, love naman niya si Lea. Pero kung sakali at sa katulad daw kaya niyang komedyante nangyari ‘yon at hindi rin siya pumayag, same rin daw kaya ang reaction o support na makukuha niya mula sa mga netizens?
Sabi ni Pokwang, “Don’t get me wrong ha kasi i love miss Lea Salonga at tama din yung ginawa nya sa mga feeling entitled na fans.
“My question is, kung ako kaya yung gumawa no’n at bilang madalas mangyari samin yan na mga komedyante sa mga shows sa abroad. Minsan nga biglang nanghihila sila hahaha.
“Kung isa sa mga kagaya kong komedyante nangyari itong pang hihimasok ng privacy sa dressing room at nanindigan kami kagaya ni Miss Lea, gano’n din kaya ang suporta na makukuha namin sa netizens?
“Minsan kasi kahit nasa tama kami dahil komedyante nga kami, ‘di kami sineseryoso at kami pa ang lalabas na masama at feeling sikat at entitled, wala lang natanong ko lang po.”
FIVE months in the making naman ang gown na isinuot ni Heart Evangelista sa katatapos lang na GMA Gala 2023 at talaga namang umani ng katakot-takot na papuri at atensiyon ang Kapuso actress dahil dito.
Isang couture dress with matching clutch from Maison Schiaparelli at ang mas nakadagdag pa sa kanyang fabulous look ay ang suot niyang Serpenti necklace from Bvlgari na reportedly ay nagkakahalaga ng P7 million lang naman!
Sey ni Heart sa kanyang outfit during her red-carpet interview, “it’s a couture piece from Schiaparelli and it took 5 months to make.”
Kasama ni Heart ang husband na si Sen. Chiz Escudero who was wearing a Christian Dior suit na ang aktres mismo ang pumili.
Sabi ni Heart, “Ako ang pumili niyan at ako rin ang nag-shopping niyan dahil pinilit ko siya. So, it’s a beautiful suit from the iconic Dior,” sey ni Heart sa suot ng mister.
Biro pa ng aktres, “pero naninigas siya Hindi niya kayang, “panindigan mo.”
Pangiti-ngiti lang si Sen. Chiz at hindi masyadong nakapagsalita na tila nahihiya nga.
At kahit nga known naman na si Heart sa pag-attend ng mga gala, fashion show at mga sosyalan, iba pa rin daw para rito ang GMA Gala naman.
“It’s always special to attend GMA because, you know, especially when it’s time for you to bond with your friends and then, it’s time for you to dress up.
“And you know, being in fashion week and stuff like that, it’s fun, too, you know, to be able to bring a piece from your experience and then bring it here, it’s always an experience, and then, my husband pa is here.”
Kaya hindi naman kataka-taka na si Heart ang itinanghal na Female Sparkle of the Night nang gabing iyon habang si Alden Richards naman ang Male Sparkle of the Night.
(ROSE GARCIA)