• January 15, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Fitness check hiling ng ilang miyembro ng National Unity Party (NUP) sa House Ethics Committee

HINILING ng ilang miyembro ng
National Unity Party (NUP) sa
House Ethics Committee na magpatupad ng fitness check bago makabalik si Cavite 4th District Congressman Francisco “Kiko” Barzaga sa kanyang tungkulin matapos masuspinde.

Sa inihaing Manifestation and Motion sa House Committee on Ethics and Privileges, hiniling ng NUP sa komite na i- require ang comprehensive fitness determination kay Barzaga bago ito payagang makabalik sa tungkulin nito.

Binanggit nito ang patuloy na paglalabas ng ‘inflammatory and disorderly content’ sa kabila ng disciplinary sanctions na ipinataw ng Kamara kay Barzaga.

Matatandaan na inaprubahan ng Kamara noong Disyembre 1, 2025 ang Committee Report No. 28, na nagpapataw ng 60 araw na suspensiyon ng walang sahod at allowance dahil sa paglabag sa House Code of Conduct at Republic Act No. 6713.

Binanggit sa Manifestation and Motion ang mga posts laban sa yumaong Congressman Romeo “Romy” Acop, statements sa tributes dito at mga inflammatory political na komentaryo.

Sa mosyon, hiniling ng NUP ang comprehensive fitness determination bago pabalikin si Barzaga upang mabatid kung ‘physically, mentally, emotionally, and behaviorally prepared’ ito para ipatupad ang kanyang tungkulin sa Kamara.
(Vina de Guzman)