• April 11, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

First time pa lang na magkasama sa movie: RHIAN, kasama sa bucket list ni JC na natupad na

NAGULAT kami nang tanungin namin sina JC Santos at Rhian Ramos kung ano ang masasabi nila sa isa’t-isa.
Unang beses pa lang na nagkasama sina JC at Rhian sa romance-drama movie nila na “Meg and Ryan” na dinirek ni Catherine Camarillo under Pocket Media Productions.
Si JC ay isang known Kapamilya while Rhian naman is a solid Kapuso.
Sey ni Rhian, “I really enjoyed the whole experience. Sobra talagang totoo yung sinabi ni Tita Ces (Quesada) na napaka-generous niya as an actor.”
Ang nagulat kami ay ang tinuran ni JC na kasama sa bucket list niya si Rhian. As if si Rhian ay napakatagal o isa ng beterana para rito.
Sey ni JC, “Working with Rhian, isa siya sa checked sa bucket list na sana maka-trabaho ko.
“At nakita ko ang process niya, nakita ko kung paano siya mag-trabaho at dedication niya.”
Base naman din sa trailer, kita na agad ang chemistry nilang dalawa. Not to mention na pareho pang malalim na aktor ay aktres.
Ang “Meg and Ryan” ay ipalalabas na sa mga sinehan simula sa August 6.
***
INAMIN ni Dina Bonnevie na kinakabahan siya. At ang kaba niya ay dahil sa pagbabalik niyang muli sa hosting.
Bagong medium kasi kay Ms. D ang online kunsaan, mapapanood ang “House of D” simula ngayong araw, July 11 at 5pm.
Sey niya, “Yeah, sina Rams (David) nga, ano ba, kaya mo. Ako naman, hay naku Rams, paano kung hindi tanggapin ng tao? Paano kung i-bash ako? Tapos yung mga bata, nao-overwhelm sila sa response ng mga tao.
“Gaya nga niyan, lumabas na 1.9 million views.”
Pero aminado si Ms. D na hindi pa raw talaga siya marunong sa social media. Kadalasan kapag nakakapag-post siya, may tumutulong sa kanya o nasa tabi niya ang mga anak. Marunong lang daw siya mag-reply.”
Tatlumpung minuto ang itatagal ang kada-episodes nila. Parang maikli lalo na at lima silang pwedeng magbahagi ng kanya-kanyang opinyon.
Katwiran niya rito, “Hihintayin namin ang mga tao na magsabi na, i-one hour niyo na. Pero honestly, kung halimbawa maganda ang response ng mga tao, more appreciation for the show than bashers, tuloy kami.
“Pero siyempre, wala namang reason na ituloy kung hindi naman tinanggap ng mga tao. Parang it all depends on the people. Siyempre kami, we’re here to share whatever we have.
“In the beginning, kami-kami na muna. Parang pinapakilala muna namin sa mga tao yung pamilya namin.”
Kasama ni Ms. D bilang mga co-hosts niya ang mga anak na sina Danica Sotto at Oyo Sotto at ang kanilang mga asawa na sina Marc Pingris at Kristine Hermosa.
Sa pagiging very candid, intelihente ni Ms. D, sure kami na aabangan ang bagong show na ito sa YouTube. Plus, sa mga fan, lalo na ni Kristine na very rare kung mapanood na siya. Plus yung mag-iina na you don’t get to see naman palagi in one frame.
Every Friday at 5pm ang drop ng mga episodes kaya ngayon pa lang ay mag-subscribe na sa kanilang YouTube channel.
(ROSE GARCIA)