• March 10, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

First time na makakasama sa movie si Barbie… EUGENE, balik-teatro na sa musical na ‘Into The Woods’ kasama si LEA

BAGONG BFFs na ngayon sina Barbie Forteza at Eugene Domingo.
Pareho nilang paborito ang sport na tennis at nag-enjoy sila sa laro nila.
“Ang saya saya!!! Thank you for giving me time this morning!!” comment ni Uge sa pinost ni Barbie sa Instagram.
First time na magkasama ang dalawa sa Netflix film na ‘Kontrabida Academy’ na dinirek ni Chris Martinez.
Hindi siguro aware sina Barbie at Uge na nagkasama na sila noon sa “Bangungot” episode ng ‘Shake, Rattle & Roll 9’ in 2007.  Wala nga lang silang eksenang magkasama.
Si Barbie ang gumanap na batang Roxanne Guinoo sa flashback scene at si Uge naman ang nagbibigay babala tungkol sa bangungot sa present day Roxanne.
After ng two movies sa 50th MMFF (‘Espantaho’, ‘And The Breadwinner is…’), babalik sa theatre si Uge via the musical ‘Into The Woods’ in August kasama si Ms. Lea Salonga.
Natapos naman ni Barbie ang psychological horror na ‘Penthouse 77’ ni Derick Cabrido. Kasama niya rito sina Euwenn Mikaell, Rosanna Roces and Gina Pareño.
(RUEL J. MENDOZA)