First time na makagawa ng serye sa GMA: TONY, happy sa role at open sa kahit anong project
- Published on February 18, 2025
- by Peoples Balita

“Well, I’m open to any project.
“Lahat naman ng project na nabigay sa akin I’m very proud of and really grateful for.
“And what I’m most excited about this role is that I’m playing a character that just feels so cool and I know we’re not supposed to… I mean, we’re not our characters, that’s why we’re playing these roles.
“But this one just seems like it’s so Tony, I don’t know, just in a way where it’s just something personally that I’ve always wanted to play.
“So I’m like, this is right up my alley. I mean, I’ve definitely played these roles before but they’re few and far in between.
“So that’s why whenever I get a role like this, it’s like, okay, this is like my baby for now, I really wanna enjoy this, just take in every moment and really enjoy it.”
Kasama nina Tony at Herlene Budol sa ‘Binibining Marikit’ sina Pokwang at ang male pageant winner/model-turned-leading man na si Kevin Dasom, at sina Almira Muhlach, Thea Tolentino, John Feir, Ashley Rivera, Jeff Moses, Migs Almendras, at Cris Villanueva.
Sa direksyon ni Jorron Lee Monroy napapanood ang Binibining Marikit mula Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m. sa GMA Afternoon Prime at para naman sa Pinoys abroad ay via GMA Pinoy TV.
***
BILANG mahilig tayo sa mga Zombie movies, papanoorin tiyak namin ang “Lisik Origin Point” na isang purong Pinoy na zombie movie na palabas ngayon sa mga sinehan.
Although nahahawig ito, na nagkataon lamang, sa Korean Netflix series na “All Of Us Are Dead”, tiniyak ng direktor ng pelikula na si John Renz Cahilig na hindi niya kinopya ang nabanggit na Netflix series.
Ang cast ng “Lisik Origin Point” ay sina Nika De Guzman, Grace Rosas Tayo, Jeremiah Allera, and Rosemarie Smith, at may espesyal na partisipasyon ang aktor na si Ramon Christopher.
May pahayag ang executive producer ng pelikula na si Dominic Orjalo kung bakit lahat ng cast members ng kanyang pelikula, maliban kay Ramon Christopher, ay mga baguhan?
“Unang-una po, lahat naman po tayo ay nag-umpisa sa baguhan, bago naging malaking artista.
“So why not give break to our students, ordinary people like our students.
“Kaya nga po nag-produce ako ng movie ay para din ma-enhance at ma-improve ang kanilang skill sa pag-acting.
“Who knows sa DIST pala ang stepping stone para sa ibang paggawa ng pelikulang Pilipino, kung paano gumawa ng kakaibang film.
“Who knows baka ito po yung hudyat ng pagbabago ng film industry.”
Pag-aari ni Dominic ang Dominic Institute of Science and Technology na maraming sangay, partikular sa Bulacan.
Produced ng Domniel International Films Production at distributed ng PinoyFlix, nasa “Lisik Origin Point” rin sina Jossah Mae Sison, Rain Mirasol, Joshua Cantuba, at Revers Quilario.
(ROMMEL L. GONZALES)