• October 20, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 20, 2025
    Current time: October 20, 2025 10:06 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

First time na magsasama-sama ang mga tatakbong senador: JESSICA, pangungunahan ang ‘Tanong ng Bayan: The GMA Senatorial Face-Off 2025’

SA isang demokrasya, ang paghalal ng mga lider ay hindi lang nakasalalay sa kapangyarihan ng mamamayan na bumoto, kundi bumoto nang may sapat na kaalaman.

Napakahalaga ng mga debate para mas makilala ng mga botante ang mga kandidato, lalo na ang kanilang paninindigan para sa mas matalinong pagboto sa Eleksyon 2025.

Ngayong Pebrero 1, sa kauna-unahang pagkakataon ay magsasama-sama sa isang entablado ang mga kandidato sa May 12 senatorial elections sa pamamagitan ng isang multi-platform special handog ng GMA Public Affairs at GMA Integrated News – ang “Tanong ng Bayan: The GMA Senatorial Face-Off 2025.” 

Sa pangunguna ni Jessica Soho, ang premyado at pinaka-pinagkakatiwalaang mamamahayag ng bansa, ang “Tanong ng Bayan: The GMA Senatorial Face-Off 2025” ay isang mahalagang pagkakataon para makilala at mapakinggan ang mga kandidatong humihingi ng ating mga boto.

Naniniwala ang GMA Public Affairs at GMA Integrated News na importante ang mga debate dahil isa itong paraan para maintindihan ng taumbayan ang mga plataporma at makilatis ang kakayahan, maging ang karakter ng mga kandidato – para sa matalinong pagboto sa Eleksyon 2025.

Mahigit 30 na nangungunang senatoriables ang inimbitahan ng programa base sa Pulse Asia at SWS surveys na inilabas noong Disyembre 2024.  May mga tumanggi, may mga walang tugon, at may ilang umatras. Sa huli, 12 kandidato ang kumasa sa hamon para harapin ang mga tanong ng bayan.

Bukod sa debate, haharap ang mga kandidato sa ilang mabibigat na tanong mula sa mga personalidad ng GMA Public Affairs at GMA Integrated News sa pangunguna nina Vicky Morales, Kara David, Pia Arcangel, at Emil Sumangil. May pagkakataon din ang mga kandidato na kausapin mismo ang publiko tungkol sa mga naiisip nilang solusyon sa mga ilang mabibigat na suliranin.

Huwag palampasin “Tanong ng Bayan: The GMA Senatorial Face-Off 2025” ngayong Pebrero 1, 9 PM sa GMA at simulcast sa GMA Pinoy TV at DZBB.  May livestream din ito sa lahat ng GMA Public Affairs at GMA Integrated News YouTube channels at social media platforms. (ROHN ROMULO)