• October 22, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 23, 2025
    Current time: October 23, 2025 12:11 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

First Family, hindi first time na sumakay ng MRT-3- PBBM

SINABIĀ ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na madalas silang sama-samang pamilya na sumasakay ng MRT-3 at ang huli niyang pagsakay noong June 1 ay “not the first time.”

”First of all, hindi ‘to first time na sumakay ako ng MRT, madalas namin gamitin ‘yung MRT dahil sa traffic. Mas mabilis eh. Kami… pamilya ko, mga kaibigan ko. Hindi practical ma-traffic, magdadalawang oras ka hanggang Cubao,” ang sinabi ni Pangulong Marcos sa pinakabagong BBM Podcast.

Ibinahagi rin nito na madalas niyang nakakausap ang mga mananakay, kung saan sinasabi niya sa mga ito ukol sa karaniwang ‘crowded situation’ sa loob ng tren, idagdag pa rito na personal niyang naranasanan ang hamon ng pagko-commute gamit ang MRT-3.

”Naramdaman ko ‘yan, minsan sumakay kami ng MRT, talagang pag nakapasok ka na, basta’t ‘yung kamay mo nandito, hindi mo na magagalaw ‘yun. Nakadikit ka na dito. Kinakausap ko mga pasahero, ‘Sir, ganyan talaga ‘yan araw-araw,”’ dagdag na pahayag ng Pangulo.

Matatandaang, pinangunahan ni Pangulong Marcos at ng First Family, ang paglulunsad ng Pamilya Pass 1+3 Promo sa MRT-3, LRT-1, at LRT-2.

Sa ilalim ng programa, maaaring makasakay ang hanggang apat na magkakapamilyang pasahero gamit lamang ang isang bayad na tiket tuwing araw ng Linggo.

Layunin nitong mapagaan ang gastusin sa pampublikong transportasyon at hikayatin ang mga pamilyang Pilipino na magkasama tuwing araw ng pahinga.

Sa kabilang dako, inanunsyo ng Department of Transportation (DOTr) na simula ngayong araw, Hunyo 20, ay makikinabang na ang mga estudyante sa mas mataas na 50% na diskwento sa pasahe sa mga linya ng LRT-1, LRT-2, at MRT-3.

Ayon kay Transportation Secretary Vince Dizon, sapat nang magpakita ng valid school ID o proof of enrollment sa ticket booth upang makakuha ng diskwento.

Sakop ng benepisyo hindi lamang ang mga nasa basic education at college level kundi pati na rin ang mga kumukuha ng master’s degree at law school.

Sa kasalukuyan, ipinatutupad ang diskwento sa mga single-journey tickets, ngunit tiniyak ni Dizon na malaking ginhawa ito sa libu-libong estudyanteng araw-araw sumasakay sa tren.

“Malaking tulong ito sa mga estudyante at kanilang mga pamilya, lalo na sa gitna ng mataas na gastusin sa araw-araw,” dagdag pa ng kalihim. (Daris Jose)