• October 20, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 20, 2025
    Current time: October 20, 2025 10:07 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

First back-to-back win para sa Pilipinas: EMMA TIGLAO, muling nakuha ang korona ng ‘Miss Grand International’

MULING nagbunyi ang Pinoy pageant fans matapos na makuha ni Emma Tiglao ang korona bilang Miss Grand International 2025, sa grand finale na ginanap sa MGI Hall sa Bangkok nitong Oktubre 18.
First-ever back-to-back win ito para sa Pilipinas at naipasa nga ng reigning titleholder na si Christine Juliane “CJ” Opiaza, ang kanyang korona kay Emma na tinalo ang 76 na iba pang kandidata para sa “golden crown” ng Miss Grand International.
Agad ngang pumasok sa Top 22 ang pambato ng ‘Pinas matapos na manguna sa online poll para sa “Country’s Power of the Year”, first time ito na nakuha ng Pilipinas sa kasaysayan ng Miss Grand International.
Nagwagi naman bilang first runner-up si Sarunrat Puagpipat ng Thailand , sinundan ni Aitana Carolina Jimenez ng Spain bilang second runner-up, third runner-up naman si Faith Maria Porter ng Ghana, at fourth runner-up naman si Nariman Battikha ng Venezuela.
Ang Miss Grand International ay isang global pageant na nakabase sa Bangkok, Thailand, at kilala bilang isang beauty contest for entertainment, kung saan binibigyan ng kalayaan ang candidates na magpakita ng aliw at kakaibang pagganap.
Ayon pa kay Miss Grand International President Nawat Itsaragrisil, “if you want to see the entertainment pageant, come to Miss Grand International, really fun. But if you want to see the elegant, the more top-class pageant is Miss Universe.”
Si Nawat ay kasalukuyang Vice President for Asiana ng Miss Universe Organization, at siya rin ang nangangasiwa sa 74th Miss Universe pageant na gaganapin sa susunod na buwan.
Inanunsyo rin ang next Miss Grand International ay gaganapin sa India sa Oktubre 2026.
Samantala, ito ang first international title ni Emma Tiglao, una siyang lumaban sa Mutya ng Pilipinas 2012 at naging first runner up. 2014, sumabak naman siya sa Binibining Pilipinas, pumasok siya sa Top 15.
Sumunod na taon, naging fourth princess siya sa Miss World Philippines 2014. Taong 2019, nagwagi naman siya bilang Binibining Pilipinas 2019 Intercontinental, na kung saan pumasok siya sa Top 20.
Congrats Emma, mabuhay ka!

(ROHN ROMULO)