• October 24, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 24, 2025
    Current time: October 24, 2025 3:35 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

FILING NG COCC, WALANG EXTENSION

Walang extension ng  filling ng Certificate of Candidacy o COC, ayon sa Commission on Elections (Comelec).

 

Sinabi ni Comelec Spokesman Director James Jimenez, ang filling ng COC ng mga nais kumandidato para sa 2022 May election ay nakatakda sa October 1 hanggang 8, 2021.

 

Ayon kay Jimenez, ang last minute ng pagbabnago ng kandidadto o withdrawal ng kanilang candidacy ay hanggang November 15 .

 

Paliwanag niya,dapat nakapag-file na ng withdrawal of candidacy ang isang kandidato dahil kailangan na aniyang mag-imprenta ng mga balota sa nasabing petsa.

 

Meron naman aniyang calendar of activities kung saan  nakadetalye  ang window for withdrawal.

 

“Puwede ka involuntary withdrawal dahil namatay o disqualified, pwede ka mag-replace pero substitution, voluntary withdrawal hanggang Nov. 15” ayon pa kay Jimenez.

 

Samantala,target pa rin ng Comelec na umabot sa 4 milyon ang bagong botante  sa mga mag-18 taong gulang.

 

Sa ngayon ay nasa 1.9 milyon pa lamang ang nagpaparehistro kasama na ang mga new registered voters at mga nag-reactivate ng kanilang voters registration. (GENE ADSUARA)