• April 25, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Fil-Japanese golfer Yuka Saso nasa pangatlong puwesto sa may pinakamaraming nalikom na premyo

Nasa pangatlong puwesto ngayon si Filipino-Japanese golf star Yuka Saso na may pinakamaraming napanalunang premyo sa torneo ng golf.

 

 

Ayon sa The Ladies Professional Golf Association (LPGA) Money List na mayroong $1,214,954 ang nakuhang premyo ni Saso.

 

 

Nanguna naman sa listahan si Nelly Korda ng US na mayroong $1,941,977 at pangalawa si Lydia Ko ng New Zealand na mayroong $1,214,954.

 

 

Nakuha ni Saso ang nasabing premyo sa limang torneo na kaniyang sinalihan ngayong taon.

 

 

Magugunitang isa si Saso at Bianca Pagdanganan na naging pambato ng bansa sa nagdaang Tokyo Olympics.