FFCCCII nagsagawa ng isang pagpupulong ukol sa pagdiriwang ng Chinese New Year
- Published on January 19, 2026
- by @peoplesbalita
NAGKAROON ng pagpupulong ang FFCCCII para sa pagdiriwang ng Chinese New Year na gjnanap sa Federation Building, Binondo Manila noong ika -12 ng Enero, 2026.
Ito ay para pag-usapan ang iba’t ibang mga programa at proyekto sa loob ng taon at kasama na dito ang pagdiriwang ng Chinese New Year 2026 sa 17 ng Pebrero.
Ito ay pinamunuan ni President Victor Lim kasama si Dr. Fernando Gan, Secretary General ng Federation of Filipino Chinese Chamber of Commerce and Industry Incorporated.
Dumalo rin sa nasabing pagpupulong si Ginoong Nelson Licup, Vice Chairman for Welfare Committee at isang Pilantropo na tumutulong sa mga eskwelahan sa Calabarzon.
(Jeremiah Solomon/ Photos Boy Morales)