• March 7, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Fernandez, Tolentino may pulong para sa SEA Games

NAKATAKDANG makipagtalakayan si Philippine Sports Commission (PSC) Commissioner Ramon Fernandez kay Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham Tolentino sa Biyernes, Pebrero 5 kaugnay sa preparasyon ng bansa para sa 31st Souhteast Asian Games 2021  sa Nobyembre 21-Disyembre 2 sa Hanoi, Vietnam.

 

 

Itinalagang chef de mission ng nasabing 11-nation, biennial sportsfest , ipinahayag nitong Miyerkoles ni Fernandez, na pokus sa usapan nila Tolentino ang nalalapit na kompetisyon at kahilingan sa gobyerno na makapag-bubble training na rin ang mga atleta.

 

 

Aminado ang CDM na blangko pa siya sa sports at events at playing venues, bilang ng mga manalalarong bubuo sa pambansang delegasyon at ang magiging paghahanda ng ‘Pinas na pangkalahatang nagtatanggol na kampeon.

 

 

Sa ngayon, top three finish ang pinupuntirya ng PSC at POC para sa bansa sa nakatakdang palaro. (REC)