• October 21, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 22, 2025
    Current time: October 22, 2025 3:01 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Fare hike sa jeep, TNVS at buses, binubusisi na ng LTFRB

PINAG-AARALAN pa ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang mga petisyon sa hiling na dagdag-pasahe para sa jeepneys, transport network vehicle services (TNVS) at mga bus.

 

 

Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni LTFRB executive director Tina Cassion na mara­ming bagay silang ikinukunsidera bago maglabas ng desisyon hinggil sa mga naturang petisyon.

 

 

“Ang isinasaalang-alang ng ating board in balancing interests, ­unang-una ‘yung economic viability ng operators amid the rising cost of fuel,” aniya.

 

 

Ikinukonsidera rin aniya nila ang panig ng mga commuters dahil ang burden sa pagbabayad ng mas mataas na pasahe ay ipapasa sa kanila.

 

 

“Of course, ‘yung sa commuters naman po na side because the burden would be passed on them, ‘yung kakayahan naman nila magbayad,” aniya pa.

 

 

Maging ang posibleng epekto sa implasyon ay isinasaalang-alang din aniya sa desisyon ng board.

 

 

Noong Hunyo 8 lamang, inaprubahan na ng LTFRB ang P1 provisional increase sa minimum fare ng public utility jeepneys.

 

 

Sanhi nito, umakyat na ang minimum fare sa P10.

 

 

Humihiling naman muli ang mga jeepney drivers ng maitaas pa sa P14 hanggang P15 ang pasahe sa jeep.

 

 

Para sa TNVS, nag­hain din ang Grab sa LTFRB ng petisyon para taasan ang kanilang flagdown fare ng P20.

 

 

Ang mga city at provincial bus operators naman ay humihiling ng mula P4 hanggang P7 na taas-pasahe.

 

 

Nilinaw naman ni Cassion na wala pang natatanggap na anumang pormal na petisyon ang LTFRB mula sa mga taxi drivers.

 

 

Aniya, ang desisyon sa petisyon naman ng mga jeepney at TNVS operators ay inaasahang maisasapinal matapos ang kanilang huling pagdinig sa ­Hunyo 28 at 29. (Daris Jose)