• October 22, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 23, 2025
    Current time: October 23, 2025 6:42 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Factory worker na wanted sa statutory rape sa Valenzuela, isinelda

REHAS na bakal ang kinasadlakan ng isang factory worker na akusado sa kasong panghahalay at pangmomolestiya sa isang menor-de-edad na biktima matapos matiklo ng pulisya sa manhunt operation sa Valenzuela City.
Sa ulat, ipinag-utos ni Valenzuela Police Acting P/Col. Joseph Talento sa kanyang mga tauhan ang pagtugis sa 39-anyos na factory worker na kabilang sa talaan ng most wanted person ng Valenzuela CPS.
Kaagad namang isinagawa ng mga operatiba ng Valenzuela Police Warrant and Subpoen Section ang pagtugis sa akusado makaraan ang natanggap na impormasyon hinggil sa kinarooonan ng akusado.
Hindi na nakapalag ang akusado nang damputin ng mga tauhan ni Col. Talento sa kanilang lugar sa Brgy. Marulas sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong Statutory Rape at Acts of Lasciviousness in relation to RA 7610 as amended by RA 11648 – The Anti-Rape Law of 1997 (4 counts).
Ang arrest warrant ay inilabas ng Family Court, Branch 16, ng Valenzuela City nito lamang October 20, 2025 na walang inirekomendang piyansa para sa pansamantalang paglaya ng akusado.
Ayon kay Col. Talento, pansamantalang nakakulong ang akusado sa custodial facility unit ng Valenzuela police habang hinihintay ang utos ng korte para sa paglilipat sa kanya sa City Jail.
(Richard Mesa)