• April 6, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Facebook sa ‘Pinas posibleng masuspinde – DICT

DAHIL sa pagkalat ng deep fakes, posib­leng suspindihin ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang operasyon ng Facebook sa Pilipinas.

Ito ang banta ni DITC Secretary Henry Rhoel Aguda matapos na lumiham sa Facebook founder at Meta Platforms contro­ling shareholder Mark Zuckerberg dahil nais nilang malinis ang social media platform mula sa fakes news.

Sa nasabing liham, humingi rin ng kagyat na pakiusap si Aguda kay Zuckerberg na aksyunan ang pagkalat ng fake news at iba pang nakakasamang nilalaman tulad ng AI o Artificial Intelligence na siyang nagge-generate ng deepfakes sa Facebook.

Ang Meta ay siyang mother company ng ­Facebook at Instagram.

Reklamo pa ni Aguda, na ang pagkalat ng fake news sa Facebook ay naging platform na nang sana’y nagkokonekta sa mga tao sa toxic online space.

Napuna rin ng Kalihim na kumakalat na ang deep fakes mula sa Facebook at sa iba pang social media platforms o maging sa direct messaging platforms tulad ng Viber.

“We explained our position. That it’s better if we cooperate in the takedown of these content,” pahayag pa ni Aguda.