Face masks, vaccine card ‘di na kailangan sa tourist spots – DOT
- Published on March 9, 2023
- by @peoplesbalita
HINDI na kailangang magsuot ng face masks at magpakita ng patunay ng vaccination ng mga taong nagtutungo sa mga tourist spots sa bansa.
Ayon sa Department of Tourism (DOT), bahagi ng liberalisasyon sa mga restriksyon sa COVID-19 ang pagluluwag sa “health and safety guidelines” upang mas mapalakas pa ang pagdating ng mga turista at biyahero sa bansa.
Sa ilalim din ng DOT Memorandum Circular 2023-0002, tinanggal na rin ang requirements para sa mga tourist establishments na paglalagay ng mga “plastic, acrylic barriers, dividers” sa mga piling lugar.
Pinatatanggal na rin ang mga nakapaskil na mga signages at iba pang instalasyon ukol sa mga mandatoryong protocols. Tinanggal na rin ang iba pang mga protocols ukol sa paghihigpit kaugnay ng COVID-19.
Mensahe nila umano ito na bukas na ang bansa sa turismo at sumusunod ang Pilipinas sa “global practices” ukol sa operasyon ng turismo. (Daris Jose)