• April 22, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Face mask puwede nang alisin ‘pag mababa sa 200 ang COVID-19

MAAARI nang tanggalin ng publiko ang pagsusuot ng face mask kung mas mababa na sa 200 ang kaso ng COVID-19 sa bansa.

 

 

Sa Laging Handa online press briefing, sinabi ni Dr. Rontgene Solante ng Vaccine Expert Panel ng Department of ­Science and Technology na kung magtutuloy-tuloy ang pagbaba ng kaso sa susunod na dalawa hanggang tatlong buwan ay posibleng hindi na maging mandatory ang face mask.

 

 

“Sa tingin ko, medyo mahaba-haba pa iyan. Let’s see in the next two to three months [at] kung talagang tuluy-tuloy na ang pagbaba ng kaso, like less than 200 [ay] most likely baka hindi na natin kailangan ang face mask,” ani Sorante.

 

 

Malaking bagay aniya ang pagsusuot ng facemask sa pagkontrol sa pandemic na naging mabisa upang hindi kumalat ang Omicron variant.

 

 

Samantala, pinayuhan ni Solante ang susunod na administrasyon na ituloy lang ang ginagawa ng kasalukuyang administrasyon at paigtingin ang pagbabakuna.

 

 

Mahalaga rin aniya na palawakin ang mga healthcare facilities lalo na ang mga government facilities bilang paghahanda sa susunod na pandemya o sa anumang sumusulpot na mga nakakahawa o infectious diseases.