Extra special ang kanilang first TV commercial: DOMINIC, umaming iba rin ang pakiramdam na makatrabaho si BEA
- Published on February 9, 2022
- by @peoplesbalita
FIRST time lamang palang mag-work together onscreen ang real-life sweethearts na sina new Kapuso actress Bea Alonzo at Dominic Roque.
Kaya na-excite si Bea nang kunin siyang endorser ng isang brand of coffee na bukod sa photo shoot ay may TVC shoot din, at sila ngang dalawa ang magkasama.
Nag-post si Bea sa kanyang Instagram: “I’m so happy this ad (the coffee brand) is finally out! It’s my first time to do a tvc with Dom, that’s why this is extra special to me. I hope this won’t be the last.”
Katatapos lamang mag-celebrate ng kanilang first anniversary as sweethearts ni Dom at siyempre pa ay very happy rin nito to work together with her for the first time.
Kaya nag-post din si Dom sa kanyang Instagram: “being with you always means special to me, pero iba pa rin pala ang feeling na makatrabaho at makasama ka on screen for the first time in this commercial.”
Meanwhile, busy si Bea ngayon sa paggawa ng episodes ng kanyang vlog, habang hindi pa sila nagsisimulang magtrabaho together ni Alden Richards ng dalawang projects na pagsasamahan nila.
At ang isa sa mga naging special guests niya ay ang magka-love team na sina Mavy Legaspi at Kyline Alcantara, sa episode na “Let’s Play Jenga wih MavLine.”
Habang naglalaro sila, ini-interview din sila ni Bea, at tanong nga niya, sina Mavy at Kyline na ba on and off-camera?
Ngiti lamang ang sagot ng dalawa. Kung nagdi-date sila, sino ang nagbabayad ng lahat? Si Kyline ang sumagot na hindi siya pumapayag na si Mavy lamang ang magbayad ng lahat, 50-50 raw sila.
Thankful naman si Kyline sa gesture ni Mavy na kung alam nitong nai-stress siya, lagi itong may bouquet of flowers na ipinadadala sa kanya.
Magkasama sina Mavy at Kyline sa I Left My Heart In Sorsogon na nasa finale week na at magtatapos na ngayong Friday, February 11 after ng 24 Oras.
Sino na nga ba ang makakatuluyan ni Celester (Heart Evangelista), si Tonito (Richard Yap) o si Micoy (Paolo Contis). Will it be a happy ending?
***
HINDI ini-expect ni GMA Sparkler actress na si Kate Valdez na mapapansin siya ng Filipino-American writer na si Mikey Sutton at ng international visual artist na si Noel Layon Flores.
Siya ang face of their fantasy-thriller comic book na “Dream Walker,” which will be released on Valentine’s Day, February 14, via the Second Skin Comics site. Labis-labis naman ang pasasalamat ni Kate sa opportunity na dumating sa kanya.
Very soon, mapapanood din si Kate sa isang teleserye sa GMA-7.
(NORA V. CALDERON)