• April 4, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Expressway at highways, titiyaking wala ng obstruksiyon sa Mahal na Araw

TITIYAKIN ng pamahalaan na wala nang anumang hadlang o sagabal sa mga expressways at highways ngayong Huwebes Santo, Abril 2 at Biyernes Santo, Abril 3.
Ito’y kasunod na rin nang inaasahang pagbiyahe na ng mga motoristang magsisiuwian sa kani-kanilang lalawigan upang doon gunitain ang banal na okasyon.
Ayon kay Transportation Secretary Giovanni Lopez, simula ngayong Miyerkules Santo, Abril 1, ay sisimulan na ng Department of Transportation (DOTr) ang pagtatanggal ng mga nakaparadang mga sasakyan sa mga sidewalks sa highways.
Makakatuwang aniya nila sa naturang aktibidad ang Department of the Interior and Local Government (DILG), Philippine National Police, Highway Patrol Group (HPG), at maging ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa naturang aktibidad.
Sa kanyang panig, binigyang-diin naman ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon na mahalagang maisagawa ang clearing operations at maisaayos ang mga kalsada, lalo na ngayong mas tumaas pa ang presyo ng mga produktong petrolyo. (Daris Jose)