• March 11, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Excited sa pag-iikot sa Metro Manila para sa kanyang show: RHIAN, ready na ‘pag tinanong ni SAM ng ‘will you marry me?’

MATAGAL na rin napag-uusapan na kapag hindi na pwedeng lumabas si Sam Versoza dahil tumatakbo ito bilang Vice Mayor ng Manila, ang girlfriend niya, ang Kapuso actress na si Rhian Ramos ang siyang hahalili sa kanya.
Ito ay sa programang “Dear SV” kunsaan, ngayong March 1 na huling mapapanood si Sam bilang host. Simula sa March 8 ng 11:30 ng gabi sa GMA-7, si Rhian na ang host ng “Where in Manila.”
At noon pa man na nababanggit na kay Rhian na siya ang pwedeng pumalit, nagpakita na talaga siya ng excitement.
Kaya sey niya sa mediacon, “I’m so excited to be hosting this show. It’s not just going to be a learning experience for our audience pero syempre sa akin din. It’s very known naman na I love to travel, I love new experiences, tasting things that I’ve never eaten before, seeing places that I’ve never been before.
“Pero who knew there is so much to be seen and celebrated in our backyard which is Metro Manila. Syempre we’re going to call it Where In Manila, but it’s actually covering the whole Metro Manila. “
Naniniwala nga si Rhian na marami pang pwedeng mai-offer at mai-explore na lugar at maging mga pagkain na pwedeng tikman.
“So much can be found here. Sa mga first shoots pa lang I’ve been able to have a lot of first time experiences also. I just want to help… to celebrate with our audience what can be found dito mismo sa Pilipinas,” pahayag niya.
Ang maganda rin, hindi lamang Manila ang iikutan nila, kundi buong Metro Manila.
During the interview, may naging rebelasyon si Rhian. Hindi naman kaila sa lahat na marami na rin siyang naging karelasyon in the past. Pero ayon dito, it is with Sam lang daw na na-realize niyang welcome na sa kanya ang marriage o pagpapakasal.
Kaya pala “bahala ka” ang sagot ni Rhian sa pahayag ni Sam na sa pag-uusap daw nila, kung ikakasal sila, parang gusto nito na sa Quipao Church sila ikasal.
Ready na rin daw si Rhian anytime na i-popped ni Sam ang tanong na “will you marry me?’
***
MYRTLE, BAKA MAG-QUIT NA SA SHOWBIZ AT MAG-CONTENT CREATOR NA LANG
MALAPIT ng matapos ang teleseryeng “My Ilonggo Girl” pero ilang linggo bago ito magtapos ay ipinakilala pa ang character ni Myrtle Sarroza.
Sa isang banda, kung tama ang narinig namin, may posibilidad na baka huling serye na ito ni Myrtle.
Tila pinag-iiisipan na raw nito na mag-quit muna sa kanyang showbiz career at mag-concentrate na sa pagiging content creator ng mga games or sa kanyang gaming.
Wala kaming ideya kung gaano kalaki ang income sa isang mundo na ito ni Myrtle. Pero kung kaya niyang i-give-up ang pag-arte para rito, siguradong worth it ito.
(ROSE GARCIA)