• October 20, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 20, 2025
    Current time: October 20, 2025 6:46 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Ex-Senate Pres. Enrile, nanumpa na bilang chief presidential legal counsel

OPISYAL nang nanumpa sa pwesto si Chief Presidential Legal Counsel (CPLC) Juan Ponce Enrile sa MalacaƱang ngayong araw.

 

 

Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang panunumpa ng dating Senate President.

 

 

Ayon sa pangulo, buo ang kanyang tiwala sa kakayahan at karanasan ng opisyal bilang lingkod-bayan.

 

 

Dahil dito, umaasa ang Pangulong Marcos na lalong mapabubuti ang pagbibigay ng legal assistance tungkol sa mga magiging aksyon ng kanyang administrasyon.

 

 

Si Enrile ay dati na ring nanilbihan bilang Minister of National Defense noong panahon ni dating Pangulong Ferdinand E. Marcos Sr., na ama ni President Bongbong Marcos. (Daris Jose)