• October 20, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 21, 2025
    Current time: October 21, 2025 1:42 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Evangelista, Santor hinirang na MOS

HINIRANG sina Aishel Evangelista ng Betta Ca­loocan Swim Team at Patricia Mae Santor ng Ilus­tre East Swim bilang Most Outstanding Swimmer (MOS) sa pagtatapos ng “Go Full Speedo’ Swim Series Long Course Swimming Leg 1 kamakalawa sa Teofilo Yldefonso swimming pool sa Malate, Manila.

 

Nanguna ang 14-an­yos na si Evangelis­ta, Grade 10 student sa UST, sa boys’ 800m free­­style para sa kanyang pang-limang gold medal sa event na inorganisa ng Philippine Aquatics, Inc. (PAI) at suportado ng Spe­edo, Philippine Sports Com­mission at Philippine Olympic Committee.

 

Nanalo rin si Evangelis­ta sa 200m Individual Med­ley (2:18.45), 50m breaststroke (33.38), 100m freestyle (57.64) at 50m backstroke (31.77).

 

May limang golds din ang 16-anyos na si Santor mula sa mga panalo sa 800m freestyle (10:05,25), 200m freestyle (2:24.30), 200m IM ( 2:31.22), 200m breaststroke (2:50.68) at 100m freestyle (1:02.80).

 

Kinilala rin sina Makoto Nakamura ng S’Ace Sea­hawks at Jie Angela Mi­ka­ela Talosig ng Midsayap Pi­rates bilang MOS sa girls’ 11-yrs at 18-yrs old classes, ayon sa pagkaka­sunod.

 

Lumangoy si Nakamu­ra ng apat na ginto at may tatlo si Talosig.