Evacuees kay ‘Odette’ tinututukan vs COVID-19
- Published on December 21, 2021
- by @peoplesbalita
Nagbabala ang health expert na si Dr. Tony Leachon sa posibilidad na kumalat ang COVID-19 sa Visayas at Mindanao dahil sa pagsisiksikan ng mga nasalantang pamilya sa mga evacuation centers.
Ipinaalala ni Leachon, dating tagapayo ng gobyerno sa COVID-19, na importante na ma-monitor ng pamahalaan ang sitwasyon sa mga lugar na sinalanta ng bagyong Odette sa mga darating na linggo lalo na at mababa pa rin ang vaccination rate dito.
Kasunod ito ng pag-amin ni Department of Health Undersecretary Myrna Cabotaje na naging mababa ang resulta ng National Vaccination Day dahil sa bagyo.
Sinabi niya na nasa kabuuang 2,361,216 doses o 31 porsyento ng pitong milyong target lamang ang naabot mula Disyembre 15 hanggang17.
“Ang 3 araw ay naapektuhan ng ating bagyo. In some regions, maganda ang kanilang turnout,” ayon kay Cabotaje.