Ethics complaint… Sta. Rosa City Rep. Dan Fernandez, handang harapin ang reklamo sa kanya
- Published on January 29, 2025
- by Peoples Balita
HANDANG harapin ni Sta. Rosa City Rep. Dan Fernandez ang inihaing ethics complaint laban sa kanya ng abogado ni Cassandra Ong.
Ayon sa mambabatas, karapatan ni Atty. Ferdinand Topacio na maghain ng reklamo.
Inihayag pa ng mambabatas na ipapa- ubaya niya sa Ethics committee ang reklamo laban sa kanya.
Una nang naghain ng reklamo si Topacio laban sa mambabatas dahil sa conduct unbecoming umano ni Fernandez bunsod ng ‘intimidation’ sa kaniyang kliyente na si Cassandra Ong noong nagiimbestiga ang Quad Committee ukol sa isyu ng POGO.
Isa sa inihalimbawa ni Topacio ang pagpigil sa kaniya na lapitan ang kaniyang kliyente at pananakot umano na ipapa-contempt si Ong.
Partikular umanong nilabag ni Fernandez ang Section 141, Paragraph A at B ng House Rules. (Vina de Guzman)