Esteban maghahandog ng tablet sa mga estudyante
- Published on November 28, 2020
- by @peoplesbalita
KUMAKATOK sa may mabubuting puso si national fencer Maxine Isabel Esteban na tulungan siyang makailak ng pondo para sa mga batang mag-aaral ngayong may Covid-19 pandemic pa rin
Isinalaysay ng 30th Southeast Asian Games Philippines 2019 women’s fencing bronze medalist ang kanyang sinimulang fundraising sa kanyang kaarawan nitong Huwebes para makapagkaloob ng Android tablets sa online learning ng mga estudyante.
“Join me as I celebrate my 20th birthday! In lieu of gifts, may I ask for your donation to our fundraiser ‘A small thing goes a long way’ Phase 3,” litanya ng 2018-19 University Athletic Association of the Philippines (UAAP) Season 81 Women’s Fencing Rookie of the Year at Most Valuable Player sa kanyang Instagram post.
Hinirit pa pa ng Ateneo Queen Eagle, “Help a Filipino child continue his education through online learning. Any amount of donation will do. Donations will be used to purchase 10.1 HD Display Android tablets.”
Kamakailan lang, inasistehan din ng dalagang eskrimador ang mga medical frontliner at ilang komunidad sa bansa habang may pandemya. (REC)