ESPINOSA AT KASAMA, TINANGKANG TUMAKAS SA NBI JAIL
- Published on January 18, 2022
- by @peoplesbalita
TINANGKANG tumakas sa NBI Detention Center ang tatlong bilanggo na pinangungunahan ni Rolan “Kerwin” Espinosa.
Sinabi ni NBI OIC-Director Eric B. Distor na napigilan ng mabilis at napapanahong pagkilos ng kanyang mga ahente ang pagtakas ni Espinosa at 2 pang bilanggo.
“As soon as they received the info, they immediately acted on it without delay”, sabi ni Distor
Napag-alaman na Enero 13 nang tangkaing tumakas ni Espinosa at dalawa pang bilanggo sa pamamagitan ng butas ng exhaust fan sa kisame.
Napansin ito ng ahente ng NBI nang nag-inspeksyon sa kulungan at makita na na-deformed ang exhaust fan kung saan may isang butas na akma para makatakas ang bilanggo .
“In view of this incident, security measures at the jail has since been tightened with regular inspection of all jail facilities”, giit ni Distor.
Pinuri naman nito ang kanyang bagong Chief at ang kanyang Executive Officer (ExO) ng Security Management Section (SMS) dahil napigilan ang planong pagtakas ni Espinosa mula sa kulungan ng NBI. (GENE ADSUARA )