Erolon pipirmi sa Falcons
- Published on February 20, 2021
- by @peoplesbalita
TAPAT!
Mananatili sa pugad ng Adamson University ang AdU High School Baby Falcon basketball player na si John Mathroven ‘Matty’ Erolon.
Nag-commit siyang sa AdU Soaring Falcons para lilipad para sa 84th University Athletic Association of the Philipines 2021-22.
Ito ay bilang pagganti ng utang na loob o pasasalamat sa kabutihan sa paghubog sa kanya ng eskuwelahan at koponan na maging basketbolista.
Kasalukuyang grade 12 senior high school na ang cage shooter at isinilang sa Dumaguete sa mahal na paaralan patungo sa pagpasok sa kolehiyo.
“Napagdesisyunan ko na mag-stay sa Adamson kasi malaki po ang utang na loob ko sa kanila,” bulalas Martes ng baller na pa-San Marcelino-based squad nagbuhat sa Asian College sa kanyang sinilangang lungsod noong 2019.
Nagtala ang 18-anyos ng 15.44 team-high points kasama ang 3.63 rebounds, 2.81 assists at 1.69 steals sa 82nd UAAP 2019-20 junior boys hoopfest. (REC)