• March 4, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Ernie Gawilan ng PH nagtapos sa ika-6 na puwesto sa Paralympics freestyle swimming finals

Bigo si Ernie Gawilan na makakuha ng medalysa sa 2020 Tokyo Paralympics men’s freestyle 400-meter-S7 finals.

 

 

Nagtapos si Gawilan sa ika-anim na puwesto mula sa walong finalists sa oras na 4:56.24.

 

 

Ito ay 25.18 seconds behind kay Mark Malyar ng Isarel na nakakuha ng gold sa naturang tournament.

 

 

Nakagawa rin si Malyar ng bagong world record sa oras niyang 4:31.06.

 

 

Nagtapos sa ikalawang puwesto naman ang pambato ng Ukraine na si Andrii Trusov, habang ang American na si Evan Austin ang nasa pangatlong puwesto.