ENVIRONMENT GROUP NAGPROTESTA KONTRA SA DOLOMITE DUMPING
- Published on September 14, 2020
- by @peoplesbalita
IGINIIT ng ilang environmental group ang pagpapatigil sa pagtatambak ng dolomite sa may 500 metro ng Baywalk sa Manila Bay.
Dakong alas-8:00 ng umaga nang magsagawa ng kilos protesta ang ilang kinatawan ng Pamalakaya, Nilad, Manila Baywatch, at Baseco Peoples’ Alliance.
Bitbit ang mga placards na nagsasasaad “Rehabilitasyon sa Manila Bay,hindi white sand” , ” Itigil ang reklamasyon”.
Ayon sa grupo ang gusto nila ay iyon totoong rehabilitasyon ng Manila Bay na maaring pagkunan ng kabuhayan ng mga mangingisda at pagkain sa mga tao.
Nais umano nilang malinis at maibalik sa dating anyo ang Manila Bay at hindi para tambakan ng dolomite white sand.
Nakasakay ng mga bisekleta at nag jo-jogging ang grupo na nanawagan para itigil ang paglalagay ng dolomite sand sa Manila Bay. (GENE ADSUARA)