• February 5, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Energy Storage Systems Act, ipinasa ng Kamara sa pamumuno ni Speaker Faustino “Bodjie” Dy III

IPINASA ng Kamara sa pamumuno ni Speaker Faustino “Bodjie” Dy III sa ikatlo at huling pagbasa ang House Bill No. 6676, o Energy Storage Systems Act.

Sa botong 192 pabor, tatlong no at zero abstentions, inaprubahan ang panukalang nagsusulong sa pagkakaroon ng national policy framework para sa development, utilization, at commercialization ng energy storage systems upang suportahan ang grid reliability, renewable energy (RE) integration, at power supply security sa grid-connected at off-grid areas.

Sinabi naman ni Committee on Energy Chairperson and Palawan Rep. Jose Alvarez na “this measure puts in place a clear policy direction for developing and commercializing energy storage systems, which are essential to stabilizing our power supply and maximizing the use of renewable energy.”

Sa pamamagitan ng panukala ay inihahanda na ang power sector para sa mas magandang RE integration sa enerhiya habang sinisiguro ang reliability at affordability para sa mga consumers.

Sa ilalim ng panukala, ang Department of Energy (DOE) ang magsisilbing implementing agency, habang ang Energy Regulatory Commission (ERC) ang siyang magbubuo ng regulatory framework para sa licensing, pricing, at cost recovery ng energy storage facilities.

Maglalaan din ng insentibo sa integrated renewable energy plants na may storage systems.
(Vina de Guzman)