Endorser at spokesperson ng travel agency… SHERYL, napakasuwerte dahil nakakapag-travel sa iba’t-ibang bansa ng libre
- Published on February 6, 2026
- by @peoplesbalita
SA panahong masarap bumiyahe pero magastos ay napakasuwerte ni Sheryl Cruz.
Nakaka-travel kasi siya for free!
Ang pagbibiyahe ang pinagkakaabalahan ni Sheryl kapag walang taping o shooting.
“Travelling! Travelling with my cousin who owns Levy Travel and Tours.”
Si Sheryl, na talent ni Rams David ng Artist Circle Talent Management, bale ang endorser ng naturang travel agency na pag-aari ng pinsan niya, si Rose Levy.
“Ako yung pinaka-spokesperson niya. Pag hindi ako busy sa mga tapings, sa engagements, I travel.
“I went to India. I went to Europe. Yun ang mga ginagawa ko.
“Sobrang saya because napaka-educational… madaming iba’t ibang klaseng cultures, iba’t ibang mga pagkain, iba yung mga religious beliefs.
“Ang gaganda ng mga artworks, ang ganda ng mga architecture. Yung ganyan. Napaka-educational.
“And, at the same time, I’m so blessed because I travel without spending money.
“I don’t travel to spend money na talagang pinaghirapan ko. Kundi I travel as part of Levy Travel and Tours.
“And at the same time, I’m able to meet different people, to meet different people from different backgrounds. So, very fortunate.”
Nagbabalik-pelikula si Sheryl Cruz sa ‘Kappa-tiran’ ng Mamay Production.
At happy si Sheryl dahil makakabiyahe na naman siya ng libre, at may talent fee pa, dahil ang shooting ng Kappa-tiran ay sa Nunungan, Lanao del Norte, kung saan Vice-Mayor doon ang producer ng Mamay Productions na si Marcos Mamay na isa rin sa mga cast members ng pelikula.
Lahad ni Sheryl, “Actually, natutuwa ako dahil napasama ako dito sa proyektong ito sa Kappa-tiran. Because nakikita niyo ngayon yung producer natin, si Mayor Mamay.
“Kahit papano yung advocacy niya is not only to help mga tao sa industriya, sa film industry kundi makatulong din sa pagpapakita kung gaano kaganda yung lugar niya sa Lanao del Norte, yung Nunungan.
“Dun kami actually magpi-first day shooting. Nalaman ko kay direk Neal,” pagtukoy ni Sheryl kay direk Neal “Buboy” Tan.
Isa pa sa mga napasyalan na ni Sheryl dito sa Pilipinas ay ang Antique.
“Ang Antique, napuntahan ko. Tuwang-tuwa ako dahil meron ng airport dun sa Antique sa San Jose.
“Iyon yung lugar kung saan ipinanganak yung Nanay Doray ko who’s been with me for… ever since I was… she’s 80 years old na ngayon,” pagtukoy naman ni Sheryl sa itinuturing niyang pangalawang ina na lagi niyang kasa-kasama.
“The last time I went with her to Antique was, like, two years ago, Christmas and New Year.
“So, tuwang-tuwa ako nang nalaman ko na sina Senator Loren Legarda, nag-open na ngayon ng ano doon, ng airport. So, mas madali na.
“Ang ganda ng Antique actually. Kasi ano, malapit lang siya sa Boracay. May part na malapit sa Boracay.
“Yung Aningalan, sobrang ganda! Because it has not yet been inhabited by ano, by tourists.
“Hindi pa siya nagagalaw ng maraming turista, hindi pa nakikita ng maraming turista.
“Once na maayos yun, I’m sure maraming turista na puwedeng dalhin doon.
“Alam mo sa totoo lang, mahal ko ang Pilipinas!
“Sana mas maging affordable siya, at saka sana mas maging friendlier sa mga families.
“Kasi, di ba? Pag sobrang pagod na sila sa katatrabaho, sana mabigyan man lang sana sila ng incentives na medyo meron silang mga ano… yung hindi bargain yung mga ganyan ba?
“Para ma-experience nila yung kagandahan ng Pilipinas.”
Hiling at dasal ni Sheryl na sana ay magawan ng paraan na maging mura at mas affordable para sa lahat ang pagbibiyahe sa buong Pilipinas dahil napakaganda nga naman ng ating bansa.
Samantala, nasa ‘Kappa-tiran’ si Ejay Falcon bilang male lead star, at sina Bembol Roco, Sam Coloso, Patricia Javier, MJ Macalintal, Bernie Batin, Mygz Molino, Jimsen Jison, Darwis Esmaeili at marami pang iba, sa direksyon ni Neal “Buboy” Tan with Shiela Torres Lintan as line producer.
(ROMMEL L. GONZALES)