• March 12, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Electrician na wanted sa rape, laglag sa selda

HIMAS-REHAS ang 29-anyos na electrician na akusado sa panggagahasa isang menor-de-edad nang maaresto ng pulisya sa ikinasang manhunt operation sa Caloocan City.
Ayon kay Caloocan Police Chief P/Col. Joey Goforth, isinagawa nila ang manhunt operation laban sa akusado na residente ng Barangay Nasucob, Bulalacao, Oriental Mindoro sa koordinasyon sa mga tauhan ng Gloria Municipal Police Station, Oriental Mindoro.

Hindi na nakapalag ang akusado nang damputin ng mga operatiba ng Warrant and Subpoena Section ng Caloocan Police sa bisa ng warrant of arrest.

Ang warrant ay inisyu ng Regional Trial Court, Branch 42, Pinamalayan, Oriental Mindoro para sa kasong Rape in relation to R.A 7610 na walang inirekomendang piyansa para sa pansamantalang paglaya ng akusado.

Pinuri ni PBGEN Christopher Dela Cruz, Acting District Director ng Northern Police District ang operating units para sa kanilang kasipagan, disiplina, at propesyonalismo sa matagumpay na pagpapatupad ng warrant. (Richard Mesa)