• October 20, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 20, 2025
    Current time: October 20, 2025 1:32 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Elected Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil, diniskwalipika ng COMELEC

DINISKWALIPIKA ng Commission on Elections (Comelec) si re-elected Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil dahil sa pagkakatanggal sa kanya ng Office of the Ombudsman.

Sa walong pahinang resolusyon, kinatigan ng Comelec Second Division ang petisyon na inihain ni dating mayor Michael Tapang laban kay Capil noong Abril 15.

“Wherefore, premises considered, the Commission (Second Division) resolves to grant the instant Petition, and declare Respondent disqualified from running for the position of Mayor in the Municipality of Porac, Province of Pampanga, in the May 12, 2025 National and Local Elections,” sabi sa desisyon na inilabas noong Miyerkules.

Nadiskuwalipika si Capil sa pagtakbo noong nakaraang halalan matapos ipag-utos ng Ombudsman na tanggalin siya sa serbisyo dahil sa matinding pagpapabaya sa tungkulin sa mga iligal na aktibidad ng Philippine offshore gaming operator (POGO) hub na Lucky South 99 sa munisipyo.

Si Capil ay idineklara bilang alkalde ng bayan ng Porac noong May 12 elections dahil sa pagkakamit ng 39,939 boto, na tinalo si Tapang, na nakakuha lamang ng 23,063 boto.

Gayundin, ipinasiya ng Comelec Second Division na ideklarang “stray” ang mga boto na nakuha ni Capil.

Kasabay nito, iniutos ng Komisyon ang muling pagpupulong ng Municipal Board of Canvassers (MBOC) ng Porac, upang gawin ang mga kinakailangang pagwawasto sa Certificate of Canvass of Votes, at iproklama ang kandidatong may pinakamataas na bilang ng mga balidong boto. (Gene Adsuara)