• October 22, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 23, 2025
    Current time: October 23, 2025 5:52 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Education budget, pinadodoble

DALA na rin higit 165,000 classroom shortage crisis, nanawagan sina House Deputy Minority Leader at ACT Teachers Partylist Rep. France Castro at  ACT Teachers Rep.elect Antonio Tinio, sa pamahalaan na doblehin ang education budget allocation sa 6% ng gross domestic product (GDP) ng bansa.

Ayon sa pag-aaral ng EDCOM II, matindi ang problema sa  classroom congestion sa  National Capital Region, CALABARZON, Region XII, at BARMM, kung saan may mga lugar na nagpapakita na 90% ng elementary students ang naka enrolled sa masikip o overcrowded schools na may student-classroom ratios na 1:50.

“The current budget allocation is clearly insufficient to address our education crisis. We need to double our commitment to education by allocating 6% of GDP to ensure we can build the classrooms our children desperately need,” ani Tinio.

Matatandaan na ibinunyag ng  Commission on Audit (COA) noong nakalipas na taon na ang  Department of Education sa ilalim ng dating  Secretary Sara Duterte ay nakakumpleto lamang ng 192 classrooms mula sa target na 6,379 rooms noong 2023 – o 3.01% completion rate.

“This is absolutely unacceptable. Habang may learning crisis na tayo, pinalala pa ng dating administrasyon ng DepEd ang sitwasyon ng ating mga estudyante. Sa dami ng pera na hawak niya noon kasama pa ang confidential funds, tapos ito lang ang nagawa niya? Saan niya ginastos ang mga pondong ‘yun tapos may gana pang magalit kapag sinita siya?” pahayag ni Castro.

Kawawa aniya ang mga estudyante noong panahon ni VP Duterte.

“Malala na nga ang learning crisis noon, pinalala pa niya. Now we’re seeing the devastating results of that neglect,” dagdag ni Castro.

Sa kanilang pag-iikot sa Balik-Eskwela noong Lunes ay nakita nila ang matinding siksikan, ang kakulangan ng silid-aralan, at ang nakapapagod na shifting schedules. (Vina de Guzman)