EDSA rehab muling itutuloy sa Dec. 24
- Published on December 19, 2025
- by @peoplesbalita
MATAPOS ang matagal na pagkabalam sa ginawagang rehabilitasyon ng EDSA, muli itong itutuloy sa December 24. Ayon kay Department of Public Works and Highways (DPWH) secretary Vince Dizon na ang proyekto ay gagawin sa loob ng walong (8) buwan. Mas mabilis sa dating dalawang (2) taon na timeline.
“The project will be completed in eight months, significantly shorter than the earlier two-year timeline,” wika ni Dizon.
Ang reblocking at paglalagay ng asphalt overlay sa mga busway lanes ay gagawin round the clock ngayon bakasyon ng Kapaskuhan, mula sa 11:00 ng gabi na sisimulan sa December 24 hanggang 4:00 ng umaga na tatagal hanggang January 5, 2026. Ayon naman kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman Don Artes na ang trapik sa Kapaskuhan ay inaasahang magaan dahil mas kukunti ang mga motorista na dadaan sa EDSA. Pagkatapos ng January 5, ang mga gagawin na rehabilitasyon sa lansangan ng EDSA ay gagawin na tuwing gabi lang mula 10:00 ng gabi hanggang 4:00 ng umaga. Pahayag ni Dizon na ang rehabilitasyon ay gagastusan ng P6 bilyon na mas mababa sa dating naitalagang presyo na P17 bilyon. Ang DPWH ay gagamit ng makabagong asphalt technology na tinatawag na stone mastic asphalt.
“This type of asphalt offers stronger resistance to the elements and heavier loads, improved skid resistance against water and moisture damage, and a longer maintenance life,” saad ni Dizon.
Dagdag naman ni Artes na walang mangyayaring pagbabago sa kasalukuyang number coding scheme. Dati sana ay may mungkahi na gagawin ang MMDA na ipatutupad ang odd-even number coding scheme habang ginagawa ang rehabilitasyon ng EDSA upang hindi magsikip ang EDSA subalit marami ang tumutol sa nasabing sistema.Dapat sana ay uumpisahan noong nakaraang June 13 ang rehabilitasyon subalit pinagutos ni President Ferdinand Marcos na ipagpaliban muna bago pa man ito ilungsad upang magkaron ng mas magandana plano na mapaiksi ang paggawa ng rehabilitasyon ng anim na buwan lamang at hindi isang taon. LASACMAR