‘Easter Sunday’ tungkol sa pag-asa, pagpapanibago ng mga halaga, pagtatagumpay sa kahirapan – Speaker Romualdez
- Published on April 21, 2025
- by @peoplesbalita
PINAALALAHANAN ni House Speaker Martin Romualdez ang mga Filipino na ang muling pagkabuhay ni Kristo o Easter Sunday ay tungkol sa pag-asa, pagpapanibago ng mga halaga, pagtatagumpay sa kahirapan.nnAniya, nakikita ang katotohanan na sumasalamin sa buhay ng mga tao sa kabila ng mga hirap at pasanin, nanatiling matatag ang mga ito at patuloy na ipinapakita ang kabaitan at pagka matulungin.nnMay mensahe din si Speaker Romualdez para sa mga nasa posisyon — ang tunay na paglilingkod ay hindi tungkol sa kapangyarihan kundi sa kakayahang maglingkod nang may malasakit.nnHangad nito na sumulong tayo hindi lamang nang may pag-asa, ngunit may mas malalim na pakiramdam ng responsibilidad na bumuo ng isang bansang nag-aangat sa bawat buhay.