Eala inihalintulad kay Sharapova
- Published on September 15, 2022
- by @peoplesbalita
TUNAY na rising star si Alex Eala na namamayagpag sa mundo ng tennis.
Sariwa pa ito sa matamis na kampeonato sa prestihiyosong US Open juniors championships girls’ singles upang tanghaling kauna-unahang Pilipino na nagkampeon sa isang Grand Slam event.
Dahil sa kanyang tagumpay, kaliwa’t kanan ang magagandang komento sa Pinay tennis sensation.
Ilang foreign comentators pa ang nakapuna sa husay at galing ni Eala na hindi malayong maging matagumpay sa kanyang mga susunod na kampanya partikular na sa seniors division.
Inihalintulad pa ito ng isang American commentator kay dating Grand Slam champion Maria Sharapova na nagkampeon sa US Open noong 2006.