Durian business deal na naisara sa pagtungo ni Pangulong Ferdinand R Marcos Jr sa China, umaarangkada na. Tone- toneladang durian, sinimulan ng i-export
- Published on April 11, 2023
- by @peoplesbalita
NAGSIMULA nang i-export ng Pilipinas ang tone – toneladang durian sa China na pawang mula sa Mindanao.
Tinatayang 28-toneladang durian cargo o nasa 28 libong kilo ng durian ang dinala na sa China at inilipad via Davao International Airport matapos na pumasa sa General Administration Customs of China.
Kamakalawa, Sabado de Gloria ay isa pang shipment ng durian na may timbang na 28 tons Ang inilipad din bukod pa sa 7.2 tons ang ipadadala via sea vessel.
Ang nagsimula ng pag- e- export ng durian ng Pilipinas ay bunga Ng bilateral agreement na naselyuhan nitong nakaraang Enero sa ginawang state visit ni Pangulong Marcos sa Beijing.
nasa 260 million dollars o 14.3 billion pesos Ang inaasahang revenue Ang mapapakinabangan Dito Ng local durian industry. (Daris Jose)