Duque at Lorenzana naka-quarantine matapos makasalamuha ang mga COVID-19 positive
- Published on January 6, 2022
- by @peoplesbalita
Kapwa naka-quarantine matapos sina Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III at Department of National Defense (DND) Secretary Delfin Lorenzana matapos na sila ay ma-expose sa COVID-19.
Sinabi ni Duque na nakasalamuha nito ang isa sa kaniyang staff ay nag-positibo sa COVID-19 noong Disyembre 31.
Nakatakda itong sumailalim sa COVID-19 test ngayong araw at kung magnegatibo ay posibleng hanggang Enero 8 o sa ika-10 araw na lamang ito sa quarantine.
Habang si Lorenzana ay nakasalamuha nito ang apat na kasamahan sa bahay na nagpositibo sa COVID-19 kaya minabuti ng mag-quarantine.
Magugunitang si Lorenzana ay nagpositibo na sa COVID-19 noong Abril 2021 at Nobyembre. (Gene Adsuara)