• October 20, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 21, 2025
    Current time: October 21, 2025 12:17 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DTI: Mag-stock na ng pang-Noche Buena

DAHIL simula na ng “ber” months sa susunod na linggo, pinayuhan ng Department of Trade and Industry (DTI) ang mga consumers na mag-stock na ng pang Noche Buena habang hindi pa gumagalaw ang presyo ng mga bilihin.

 

 

Ayon kay DTI Undersecretary Ruth Castelo, hindi naman agad nai-expire ang mga panghanda sa Pasko o Bagong Taon kaya puwede nang mamili.

 

 

“Ang advice natin sa consumers, marami pong mga Christmas products na hindi naman kaagad-agad nag-i-expire. So, sa panahon na ito kung kaya rin lang natin na mag-ipon na or mag-stock na ng mga ganitong produkto, puwede na tayong mamili habang hindi pa gumagalaw ang presyo,” ani Castelo sa Laging Handa press briefing.

 

 

Sinabi pa ni Castelo na tiyak na tataas ang presyo ng mga bilihin kaya mabuting mamili na ng maaga.

 

 

Pinayuhan din niya ang mga consumers na tingnan ang mga promo packs na naka-bundle dahil mas makakamura ang mga ito ng mula P20 hanggang P70.

 

 

Posibleng sa huling linggo ng Oktubre o sa unang bahagi pa ng Nobyembre maglalabas ng Noche Buena bulletin ang DTI bilang gabay sa mga mamimili kung magkano lang talaga ang dapat na presyo ng mga produkto na panghanda sa Noche Buena. (Daris Jose )