• October 21, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 21, 2025
    Current time: October 21, 2025 8:12 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DTI, ipapanukala ang pagtanggal sa plastic dividers sa mga establisimyento

NAKATAKDANG ipanukala ng Department of Trade and Industry (DTI) ang pagtanggal sa mga plastic covers o barriers sa loob ng mga establisimyento bilang bahagi ng COVID-19 protocols ng mga negosyante na kailangang sundin ng mga ito.

 

 

“Isa pang kino-consider na pagtanggal, whether mag-move tayo sa Alert Level 1 o hindi, ay ‘yung mga acylic barriers,” ayon kay Trade Secretary Ramon Lopez.

 

 

“Pwede na tanggalin ‘yan, ipo-propose natin sa IATF [Inter-Agency Task Force],” ayon sa Kalihim.

 

 

Aniya, ang Omicron variant ay airborne, maaari nang tanggalin ang mga plastic barriers, idagdag pa na mga tao sa loob ng mga establisimyento ay dapat lamang na sundin at gawin ang minimum health protocols gaya ng pagsusuot ng face masks, physical distancing, at hand-washing at sanitizing.  (Daris Jose)