DSWD namahagi ng P615K tulong sa mga biktima ng lindol
- Published on October 13, 2025
- by @peoplesbalita
MATAPOS ang naganap na malakas na pagyanig na may 7.4 magnitude, namahagi na ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng inisyal na P615,000 relief support sa lokal na pamahalaan ng Manay, Davao Oriental.
Sa utos ni DSWD Secretary Rex Gatchalian, agad rumesponde ang Davao Region Field Office (FO) at inatasan ang Quick Response Team (QRT) na ihanda ang mga tauhan at logistic support para sa deployment sa mga apektadong lugar .
Sinabi ni DSWD Asst. Secretary Juan Carlo Marquez na Davao Region Field Office, ang inisyal na tulong ay kapapalooban ng 50 family food packs (FFPs) na lulutuin bilang hot meals ng mga biktima sa FO-11’s mobile kitchen at 606 boxes ng Ready-to-Eat Food (RTEF) na ipinamahagi sa mga internally displaced persons (IDPs).
Sa report ng DSWD’s Disaster Response Operations Management, Information and Communication (DROMIC), mayroong 15,868 pamilya o 78,430 indibidwal ang apektado ng lindol sa Davao Oriental. Nasa 1,583 pamilya o 7,915 indibidwal ang nasa limang evacuation centers na naitayo ng LGU.
Ang DSWD Field Office 11 ay mayroong stockpile na 103,614 family food packs (FFPs), 5,000 ready-to-eat food (RTEF) boxes, at 30,019 non-food items (NFIs) tulad ng family kits, hygiene kits, sleeping kits, family tents, modular tents, laminated sacks at tarpuli rolls na naka prepositioned sa rehiyon