DSWD, nagbabala sa publiko sa mga impostor na empleyado ng DSWD para mag-solicit ng pera
- Published on July 23, 2022
- by @peoplesbalita
NAGBABALA ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa publiko laban sa mga impostor o nagpapanggap na kawani ng kagawaran para makalikom ng pera kapalit umano ang financial assistance mula sa kanilang programa.
Ayon kay DSWD Assistant Secretary Romel Lopez, ang mga mapapatunayang sangkot sa naturang krimen ay kakasuhan ng usurpation of authority, falsification ng public documents at large-scale estafa.
Ito ay matapos na isang lalaki na alias Jay Lagrimas ang inaresto noong Martes dahil sa pagpapakilala umano nito na staff ng DSWD- NCR at pinagsasabi sa mga tao na sila ay mapapabilang sa lsitahan o recepient ng DSWD assistance kapalit ng pagbabayad ng registration fee.
Paliwanag ng DSWD official na ipinagbabawal sa kanilang empleyado na magbahay-bahay para direktang makipag-usap sa mga tao para sa transparency reasons.
Itinuturing aniya ng ahensiya ang naturang scheme na pagpapanggap bilang kanilang empleyado para mangikil ng pera na gawain ng mga kriminal na grupo.